MANILA, Philippines - Tumindi pa ang lamig sa Baguio City nang bumagsak na sa 10.4 degrees Celsius ang klima doon kahapon ng madaling araw.
Ayon sa PAGASA, ito na ang pinakamababang temperatura na naitala ng kanilang tanggapan sa naturang lunsod sa pagsisimula ng taong 2012.
Una rito, ilang pananim na gulay at bulaklak ang naapektuhan ng frost bite sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Benguet at dahil sa pagbaba ng temperatura ay hirap bumuka ang mga bulaklak na tanim.
Batay sa kasaysayan, ang pinakamababang temperatura na naitala sa “City of Pines” ay umabot sa 6.3 degrees Celsius noong taong 1961.
Ang malamig na klima ang isa sa mga dinarayo ng mga turista sa Baguio City.
Ang frost bite ay nangyayari kung bumababa ang temperatura ng isang lugar ng 10 degree Celsius.
Noong January 26, 2012 ay umabot sa 11.6 degree Celsius ang pinakamalamig na naitala ng PAGASA sa Baguio City.