^

Bansa

Lamig sa Baguio bumagsak sa 10 degrees

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Tumindi pa ang lamig sa Baguio City nang bu­magsak na sa 10.4 degrees Celsius ang klima doon kahapon ng mada­ling araw.

Ayon sa PAGASA, ito na ang pinakamababang temperatura na naitala ng kanilang tanggapan sa naturang lunsod sa pagsisimula ng taong 2012.

Una rito, ilang pana­nim na gulay at bulaklak ang naapektuhan ng frost bite sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Benguet at dahil sa pagbaba ng temperatura ay hirap bumuka ang mga bulaklak na tanim.

Batay sa kasaysayan, ang pinakamababang temperatura na naitala sa “City of Pines” ay umabot sa 6.3 degrees Celsius noong taong 1961.

Ang malamig na klima ang isa sa mga dinarayo ng mga turista sa Baguio City.

Ang frost bite ay nangyayari kung bumababa ang temperatura ng isang lugar ng 10 degree Celsius.

Noong January 26, 2012 ay umabot sa 11.6 degree Celsius ang pi­nakamalamig na naitala ng PAGASA sa Baguio City.   

vuukle comment

AYON

BAGUIO CITY

BATAY

BENGUET

CELSIUS

CITY

CITY OF PINES

NOONG JANUARY

TUMINDI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with