"It's more fun in the Philippines" sira na - CBCP

MANILA, Philippines - Mistulang nasira na agad ang slogan ng Department of the Tourism (DOT) na ‘Its More Fun in the Philippines’ dahil sa sunud-sunod na kidnapping incidents na nagaganap sa bansa.

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng Episcopal Commission on Bioethics ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), totoo namang maraming turista ang nagagandahan sa Pilipinas ngunit dahil wala namang kapayapaan sa bansa ay nababalewala ang kagandahang ito.

Kasabay nito, umapela si Oliveros sa pamahalaan na panindigan ang slogan ng DOT at bigyan ito ng mas malalim na kahulugan sa pamamagitan nang paggawa ng aksiyon upang magkaroon ng kapayapaan sa bansa, partikular sa Mindanao.

Umaasa rin naman si Oliveros na ligtas na makakabalik sa kanilang mga mahal sa buhay ang mga taong kinidnap ng mga armadong grupo sa Mindanao at magsisisi at magbagong-buhay na ang kanilang mga kidnapers.

Show comments