Kulong sa libel pinaaalis ni Jinggoy
MANILA, Philippines - Nais ni Senate President Pro Tempore Jose “Jinggoy” Estrada na tuluyan ng matanggal ang parusang imprisonment o kulong sa kasong libel dahil nagiging hadlang umano ito sa kalayaan sa pamamahayag.
Sa Senate Bill 82, sinabi ni Estrada na dahil sa parusang kulong sa kasong libel napipigilan ang ilang miyembro ng media na magbunyag at bumatikos ng mga nakikita nilang katiwalian.
Isa umano sa “priority measures” ni Estrada ang pagpasa ng nasabing panukala bilang proteksiyon na rin sa mga mamamahayag.
Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang isang count ng libel ay may parusang pagkabilanggo ng hanggang anim na taon at multang P6,000.
Ipinunto pa ni Estrada na maituturing na isang “irony” na tinatawag ang bansa na ‘land of democracy’ pero dito naman may pinakamataas na bilang ng mga miyembro ng media na pinapatay.
Hindi umano dapat pinaparusahan ang mga media na naghahayag lamang ng kanilang opinyon.
- Latest
- Trending