Eastern Samar niyanig ng 7 sunod na lindol

MANILA, Philippines - Pitong lindol kaagad ang sinalubong sa unang araw ng Pebrero. 

Ang pinakamalakas dito, ayon sa Phivolcs  ay naganap sa Eastern Samar na unang naitala sa Borongan bandang 12:26 ng tanghali na may lakas na 4.3 magnitude. Naramdaman ang lindol sa Borongan City sa lakas na Intensity 4, Intensity 3 sa San Policarpo at Oras, Eastern Samar at Tacloban City.

Sumunod ang magnitude 5.0 na lindol bandang 12:30 ng tanghali at naitala ang sentro ng lindol sa 38 kilometers north malapit sa Borongan.

Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 5 sa Borongan City, Eastern Samar; Tacloban City; Intensity 4 sa San Policarpio at Mercedes, Eastern Samar; Pastrana, Leyte. 

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas isa pang lindol ang naramdaman sa Borongan bandang 12:39 ng tanghali sa lakas na 4.6 magnitude.

Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 5 - Borongan City, Eastern Samar; Intensity 4 - Tacloban City at Pastrana, Leyte; Mercedes, Eastern Samar at Intensity 3 - San Policarpo, Eastern Samar.

Nauna dito, una ng niyanig ang Eastern Samar dakong 4:30 ng umaga sa lakas na 3.5.

Nilindol rin ang Santa Ana, Cagayan na may lakas na 3.2 magnitude maging ang Talisay, Batangas sa lakas na 2.1 magnitude.

Ganap na alas 3:51 ng hapon kahapon niyanig ulit ng lindol ang Eastern Samar na may magnitude 3.5 na lindol.

Wala namang napinsala ang naturang mga lindol sa mga tao at mga ari-arian.

Show comments