Llamas hindi sisibakin ni PNoy
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Pangulong Aquino na hindi niya sisibakin si Presidential Political Adviser Ronald Llamas dahil sa pagkakasangkot nito sa kontrobersya ng mahuli itong bumibili ng pirated DVDs sa isang mall sa Quezon City.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa media interview kahapon ng umaga sa PIA 25th anniversary, patuloy pa rin ang kanyang trust and confidence kay Llamas pero hindi anya ito nangangahulugan na hindi siya mapapatawan ng administrative sanctions dahil sa insidente.
Si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang inatasan ng Pangulo na magsagawa ng imbestigasyon kay Llamas matapos masangkot sa DVD controversy.
Humingi na nang paumanhin si Llamas sa Pangulo noong nakaraang Biyernes dahil sa kinasangkutan at kahihiyan na naidulot nito sa administrasyon.
Sinasabing magbibitiw na lamang sana si Llamas subalit hindi raw ito tinanggap ng Pangulo.
Naunang nasangkot si Llamas nang maaksidente ang sasakyan nito kung saan ay nakitaan ng Uzi sa loob ng kotse.
- Latest
- Trending




















