^

Bansa

Pulis kulang sa gamit kaya 'di asintado

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kakulangan sa mga kagamitan ang pangunahing dahilan kung bakit hindi asintado o bagsak sa ‘target proficiency’ ang mga pulis.

Sa panayam ng PNP Press Corps, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jessie Robredo na tanggap nilang may problema sa ‘proficiency’ o kasanayan sa pag-asinta sa target na mga kriminal, tero­rista at iba pang kalaban ng batas ang mga pulis pero hindi naman akma na husgahan ang buong kapulisan sa problema sa naturang aspeto.

Ginawa ni Robredo ang reaksyon sa gitna na rin ng suhestiyon at panunuya ng mga kritiko na bolo o itak na lamang ang ipagamit sa mga pulis na palpak sa pagbaril dahil sablay o hindi naman umano makatama ang mga ito sa target na mga kalaban.

Una nang umani ng mga pagbatikos ang PNP dahil sa kapalpakan sa pag-asinta ng ilang pulis sa hinahabol na kriminal na may mga pagkaka­taon pang mga sibilyan sa halip na mga suspek tulad ng mga holdaper ang nababaril.

Sinabi ni Robredo na patuloy ang isinasagawang pagsasanay sa mga pulis sa ‘markmanship’ o pag-asinta sa mga target.

Bagaman may service firearms ang mga pulis na cal. 9mm ay kulang naman ang mga ito sa bala para makapagpraktis dahil nga sa kakulangan ng pondo. Ang iba naman lalo na sa mga kanayunan ay sila mismo ang bumibili ng kanilang mga armas.  

vuukle comment

BAGAMAN

GINAWA

KAKULANGAN

NAMAN

PRESS CORPS

PULIS

ROBREDO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with