^

Bansa

Car park dapat may CCTV

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Bunsod sa pagtaas ng kriminalidad sa mga car park, isinusulong ng isang mambabatas ang mandatoryong paglalagay ng mga closed circuit television (CCTV) at recording devices sa mga parking lots.

Sa House Bill 5718 o ang Car park Security Act of 2012 ni Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera-Dy, pinagbabawal din nito ang paglalagay ng limitisyon o waivers mula sa mga car park operators sa anumang liability mula sa mga krimeng maaring mangyari laban sa kanilang mga tagatangkilik.

Inihalimbawa ni Herrera-Dy ang mga hindi pa nareresolbang kaso ng OFW na si Netz Aly Bagin at ng aktres na si Nida Blanca.

Si Bagin ay nadiskubre sa loob ng maleta sa par­king area ng NAIA Terminal 2 noong Enero 11 habang ang actress naman ay natagpuan sa loob ng sasak­yan nito na nakaparada sa parking garage ng condominium sa Greenhills, San Juan noong Nobyembre 7, 2000.

Ang kaso ng dalawa ay hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon dahil sa kawalan ng CCTV o security cameras sa mga par­king lot.

BAGONG HENERASYON

BERNADETTE HERRERA-DY

BUNSOD

NETZ ALY BAGIN

NIDA BLANCA

SA HOUSE BILL

SAN JUAN

SECURITY ACT

SI BAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with