^

Bansa

SC spokesman hirit imbestigahan

- Nila Angie dela Cruz at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Dapat umanong imbestigahan ng Ombudsman si Supreme Court spokesperson at administrator Atty. Midas Marquez dahil sa umano’y kaso ng korapsiyon at pag-abuso sa tungkulin.

Ayon kay Akbayan Rep. Walden Bello, umasta si Marquez bilang “unofficial defense counsel” ni Chief Justice Renato Corona. Makaraan anyang ma-impeach si Corona noong nakaraang taon, naging spokesman na nito si Marquez.

Aniya, nag-“crossed the line” na si Marquez samantalang dapat ay kinatawan lamang ito ng SC.

Gayundin, sangkot umano si Marquez sa umano’y iregularidad sa implementasyon at pamamahala sa Judicial Reform Support Project ng Korte Suprema.

Una nang pinagtanggol ni Marquez si Corona nang sabihing walang discrepancies sa may $200,000  halaga ng utang ng SC para sustinihan ang mga proyekto ng Korte Suprema.

AKBAYAN REP

ANIYA

AYON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DAPAT

JUDICIAL REFORM SUPPORT PROJECT

KORTE SUPREMA

MARQUEZ

MIDAS MARQUEZ

SUPREME COURT

WALDEN BELLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with