^

Bansa

Gatdula nakapuntos vs DOJ

- Nila Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hinarang ng mababang hukuman ang nakatakdang pagsasagawa ng imbestigasyon kay Atty. Magtanggol Gatdula, ang nasibak na director ng National Bureau of Investigation (NBI) na idinawit sa kaso ng kidnapping at extortion sa Japanese national na si Noriyo Ohara.

Batay sa inilabas na temporary restraining order (TRO) na may bisa ng 72 oras na ipinalabas ni Manila RTC Executive Judge Marino dela Cruz, tinukoy ng hukom sa kanyang desisyon ang Rule 58 Section 5 ng Rules of Court.

Partikular na pinipigil ng TRO ang Malakanyang at Department of Justice (DOJ) sa pagsasagawa ng preliminary investigation laban kay Gatdula.

Nakasaad sa 3-pahinang kautusan na may kapangyarihan ang korte na ikonsidera ang aplikasyon para sa pagpapalabas ng TRO lalo na kung ang kaso ay napakahalaga at ang petitioner ay daranas ng grave injustice at irreparrable injury.

Una nang naghain si Gatdula ng urgent peti­tion for certiorari and prohibition sa Manila court matapos siyang sibakin at akusahan gayung napagkaitan siya ng due process sa kaso ni Ohara.

Nai-raffle na ang kaso at napunta kay Manila RTC Judge Felixberto Olalia na nagtakda naman ng pagdinig sa Enero 30, 2012.

BATAY

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

EXECUTIVE JUDGE MARINO

GATDULA

JUDGE FELIXBERTO OLALIA

MAGTANGGOL GATDULA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NORIYO OHARA

RULES OF COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with