^

Bansa

JDV3 may death threats uli

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Dahil umiinit na naman ang usapin ng NBN-ZTE, nakakatanggap na naman ng mga banta sa kanyang buhay ang whistleblower na si Joey de Venecia III.

Sinabi ni de Venecia, kasalukuyang secretary general ng PDP-Laban, na hindi siya mapapatahimik ng mga bantang ito dahil batid niyang suportado siya ng taong bayan sa pagnanais na papanagutin ang mga mandarambong sa pamahalaan.

Suportado rin ni Joey ang kanyang amang si dating Speaker Jose de Venecia Jr. sa pagtestigo ng huli sa kasong isinampa laban kay dating Comelec chairman Benjamin Abalos kaugnay ng maanomalyang $329 milyong transaksyon sa NBN-ZTE.

Ang dating Speaker ay tumestigo sa prosekusyon at kinumpirma na sina dating Pangulong Arroyo, ang kanyang asawang si Jose Miguel Arroyo, at Abalos ay nakipaghapunan at nakipaglaro ng golf sa mga opisyal ng ZTE Corporation sa Shenzhen, China noong Nobyembre 2006 kung saan pinag-usapan din ang kontrobersyal na broadband project.

Maalala na si Joey ang nagsiwalat ng ZTE scandal sa pagdinig ng Senado. Dahil dito, natanggal bilang Speaker ng mababang kapulungan ang kanyang ama.

ABALOS

BENJAMIN ABALOS

COMELEC

DAHIL

JOSE MIGUEL ARROYO

LABAN

PANGULONG ARROYO

SPEAKER JOSE

VENECIA

VENECIA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with