MANILA, Philippines - Walang pagtutol ang Palasyo sa binabalak ni Lucio Tan na ibenta ang flag carrier na Philippine Air Lines (PAL).
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang pagbebenta ng PAL ay mangangahulugan ng additional investment sa bansa.
“We welcome the additional investment of whoever would like to buy PAL because it would mean additional investments to the country. Considering the PAL is our national brand, the additional investment would improve the branding of our national carrier,” paliwanag pa ni Sec. Lacierda.
Aniya, ang additional investment sa bansa kung sinuman ang makakabili sa PAL ay mangangahulugan din ng improved services.
Kabilang sa mga nagpahayag ng interes na bilhin ang PAL ay sina businessman Manny Pangilinan at Ramon Ang ng San Miguel Corporation.