3-year term sa AFP chief binasura ni PNoy
MANILA, Philippines - Ibinasura ni Pangulong Aquino ang naipasang batas para sa fix-term ng AFP chiefs of staff.
Sinabi ng Pangulo na may paglabag sa Konstitusyon ang naipasang batas kaya hindi niya ito nilagdaan.
Partikular na nilabag nito ang Article 16 section 5 ng Saligang Batas tungkol sa retirement ng mga opisyal ng mga sundalo.
Sina Sen. Panfilo Lacson at Rep. Rodolfo Biazon ang pangunahing nagsulong ng panukalang batas para sa 3-year term na pagsisilbi ng AFP chief.
“I already sent a message to both chambers. I vetoed the same (bill on the fixed term of AFP chief). Pag dinefer mo yung retirement, ie-extend mo yung services, hindi tama yun,” paliwanag ng Pangulo.
- Latest
- Trending