BPO industry sa Phl lalago
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na lalago ang Business Process Outsourcing industry sa bansa.
Ayon kay DOTC Undersecretary Rene Limcaoco, ang pag-alagwa ng industiya ay bunsod ng pagbubukas ng ikalimang opisina ng isang BPO solutions provider.
“Opening a new site for a business that employs young Filipinos is always a refreshing opportunity, just as refreshing as knowing, and actually feeling, that we are in a new age of hope in the Philippines, a new era in governance and politics, a period of growing confidence and faith in our public institutions,” ani Limcaoco.
Idinagdag ni Usec. Limcaoco na ang pagbubukas ng bagong opisina ng naturang service provider ay katumbas din ng pagkakaroon ng mara ming trabaho ng ating kababayan.
Binanggit ni Usec. Limcaoco, batay sa ulat ng Business Processing Association of the Philippines, pangalawa ang IT-BPO industry, kasunod ng OFW remittance, ang nakakapag-ambag ng malaking ayuda sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa kung saan ay nakapag-ambag ng 4.8 porsyento sa gross domestic product noong nakaraang taon matapos na kumita ang BPO sector ng $9 bilyon.
Sinabi pa ni Limcaoco na nalagpasan na ng Pilipinas ang India bilang world’s biggest provider.
Kasabay nito, siniguro ni Usec. Limcaoco na mabigyan ng maayos, mabilis at ligtas na transportas yon ang mga nasa BPO industry dahil sa patuloy na paglago ng nasabing industriya.
- Latest
- Trending