^

Bansa

Pagcor kumita ng P36.65-B

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagtala ng bagong rekord ang Philippine Amusement and Ga­ming Corporation (PAGCOR) nang kumita ng pinakamataas na P36.65 bilyon nitong buong taong 2011.

Sinabi ni Pagcor chair­man Cristino Na­guiat Jr. na mas mataas ito ng P5.19 bilyon o 16.52% kumpara sa P31.46 bil­yon na kinita nito noong taong 2010 sa ilalim ng lumang pa­mamahala.

Ipinagmalaki pa ni Naguiat na inumpisahan nilang basagin ang rekord ng kita ng PAGCOR sa isang buwan nitong Mayo (P3.03 bilyon), Hunyo (P3.05 bilyon), Hulyo (P3.10 bil­yon), Agosto (P3.11 bil­yon), Setyembre (P3.34 bilyon, bago itala ang pinakamataas ngayon sa kasaysayan na P3.50 bilyon nitong nakaraang Disyembre.

Sinabi nito na nakamit nila ngayon ang pinakamataas na kita ng PAGCOR sa agresibong kampanya para mapataas ang kalidad ng kanilang mga laro at pagiging praktikal sa marketing kung saan nakatutok sila sa pag-engganyo sa mga dayuhang manlalaro.

Nakadagdag pa sa kita ang mataas na performance ng mga lisen­syadong pribadong ca­ sino, poker clubs, e-games, at commercial bingo. Kumita sila dito ng P11 bilyon nitong 2011 na higit ng P2 bil­yon sa kita noong 2010.

AGOSTO

BILYON

CRISTINO NA

DISYEMBRE

HULYO

HUNYO

IPINAGMALAKI

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with