^

Bansa

Gatdula sinibak sa NBI

Nina - Joy Cantos/Doris Franche -

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Justice Sec. Leila de Lima na sinibak na niya si NBI director Magtanggol Gatdula matapos masangkot sa extortion case.

Sinabi ni Sec. De Lima sa interview matapos du­malo sa pagdiriwang ng ika-59 taong anibersaryo ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Camp Crame, hindi na makakabalik si Gatdula sa NBI matapos itong mag­hain ng bakasyon bagkus ay sinibak na niya ito at may basbas ito ni Pangulong Benigno Aquino III.

“I can confirm also that Director Magtanggol Gatdula will be replaced but as to his replacement pinag-aaralan pa ng President”, wika ni De Lima.

Inihayag ni De Lima na ang pagsibak kay Gat­ dula ay bunsod ng pagkakasangkot ng mga subordinates nito sa P6M extortion sa isang undo­cu­mented Japanese na si Norio Ohara na hinuli ng NBI agents sa Bugallon, Pangasinan noong Oktubre 29 ng nakalipas na taon.

Si Ohara ay tumakas umano sa  Japanese Yakuza matapos naman nitong umano’y mapatay ang sariling ama may ilang taon na ang nakalilipas at nagtago sa Pilipinas.

Samantala, kabilang naman sa pinagpipilian na humalili kay Gatdula ay sina PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG)  chief Director Samuel Pagdilao at dating PNP Chief  ret. Director General Raul Bacalzo.

Nang makunan naman ng reaksyon si Pagdilao ay sinabi nitong isang malaking karangalan na mapabilang siya sa hanay ng mga ikinokonsiderang maging successor ni Gatdula.

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DE LIMA

DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO

GATDULA

JAPANESE YAKUZA

JUSTICE SEC

MAGTANGGOL GATDULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with