^

Bansa

Demolisyon sa North Triangle tuloy

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Tuloy ang demolisyon ng National Housing Authoriry (NHA) sa 300 informal settlers sa NorthTriangle, Quezon City.

Ayon kay Atty. Chito Cruz, general manager ng NHA, ito ay matapos ang pitong araw na palugit na ibinigay ng ahensiya sa naturang mga residente para gibain ang kanilang bahay na muli nilang tinayo doon.

Binigyan linaw ni Cruz na ang 300 pamilyang ito ay tumanggap na ng pabahay ng NHA o nakakuha na ng financial assistance mula sa ahensya.

Anya, matapos makakuha ng pabahay at financial assistance ay muling nagtayo ang mga ito ng bahay sa lugar.

Ayon naman kay Cruz, hindi dapat mag-alala ang mga pamilyang hindi pa nakakakuha ng ayuda o pabahay dahil hindi sila kasama sa demolisyon sa susunod na linggo. Nakikipag-ugnayan na ang NHA sa QC police para sa gagawing demolisyon.

ANYA

AYON

BINIGYAN

CHITO CRUZ

CRUZ

NAKIKIPAG

NATIONAL HOUSING AUTHORIRY

QUEZON CITY

TULOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with