^

Bansa

12 evacuees nabaliw kay 'Sendong'

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umabot na sa 12 katao ang nabaliw dahil sa ma­tinding depresyon dulot ng bagyong Sendong kaya naman todo bantay ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mahigit pang 25,000 evacuees sa Cagayan de Oro at Iligan na naapek­tuhan ng bagyo noong Disyembre 2011.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, iniiwasan nilang madagdagan pa ang insidente ng suicide matapos na maglaslas ng leeg bu­nga ng matinding depres­yon ang evacuee na si Roy Navarro, 32.

Ginilitan ni Navarro ang sariling leeg at nagsaksak sa tiyan noong Enero 6 sa evacuation center ng City Central School sa Cagayan bunga ng kawalan ng pag-asa sa sinapit ng kanyang pamilya nang mawalan ng tahanan sa flashflood.

Sinabi ni Ramos na kumikilos na ang Department of Health at Department of Social Welfare and Deve­lopment na nagsasagawa ng stress debriefing sa mga residente na nasa 53 evacuation centers pa rin sa Iligan at CDO upang mabuhayan ang mga ito ng pag-asa at hindi makaisip ng masama.

Umapela rin si Ramos sa mga evacuees na ma­ging positibo at huwag masiraan ng loob.

Sa kasalukuyan ay 180 katao pa ang hindi pa rin natatagpuan at nasa 1,257 ang bilang ng mga nasawi   

AYON

CITY CENTRAL SCHOOL

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

DISYEMBRE

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

ILIGAN

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

RAMOS

ROY NAVARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with