^

Bansa

P43.3-M yaman ng mga anak ni Garcia, isinoli ng US

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ibinalik na kahapon ng umaga ng Estados Unidos ang US$100,000 na tseke o katumbas ng mahigit sa P43.3 milyon na nakumpiska sa mga anak ni dating AFP comptroller at retired M/Gen. General Carlos F. Garcia sa isang simpleng seremonya sa tanggapan ng Ombudsman.

Si US Ambassador to the Philippines Harry K. Thomas, Jr. ang personal na nag-abot ng tseke kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ang naturang pondo ay itinuturing na nakaw ma­­tapos aminin ng dalawang anak ni Garcia ang kanilang tangkang pagpupuslit ng pera nang maharang ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE) agents noong November 2003.

Noong 2010 ay hiniling ng Ombudsman sa US na ibalik ang pera sa Pilipinas sa ilalim ng US-Phl Mutual Legal Assistance Treaty.

Ayon naman kay Thomas,  commitment ng Ame­rika na suportahan ang anti-corruption campaign ng Aquino administration at ang pagbabalik ng natu­ rang  halaga ay simbolo umano na anumang nanakaw na yaman ay dapat na maibalik sa tunay na may-ari at ito ang gobyerno ng Pilipinas at mamamayan.

Bunsod nito, personal namang pinasalamatan ni Morales ang hakbangin ng Amerika sa pamamagitan ni Thomas.

Si Garcia kasama ang kanyang asawa ay naha­harap sa kaso dahil sa pagsisinungaling sa pagdeklara ng Statement of Assets and Liabilities and Net (SALN) worth noong taong 2002 at 2003.

Sinasabing nagkamal ng malaking halaga ng salapi si Garcia noong ito pa ay comptroller ng AFP.

ESTADOS UNIDOS

GARCIA

GENERAL CARLOS F

IMMIGRATION AND CUSTOMS ENFORCEMENT

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

PHILIPPINES HARRY K

PHL MUTUAL LEGAL ASSISTANCE TREATY

PILIPINAS

SI GARCIA

STATEMENT OF ASSETS AND LIABILITIES AND NET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with