Bible Conference nagsimula na
MANILA, Philippines - Idinaraos ngayon ang pagpupulong ng Bible believers for morality and democracy (Biblemode) na nagsimula noong Enero 10 hanggang 12 na may temang “Bayan Ko Mahal Ko” at pinangunahan ni Founder/President, two-termer at 4-time outstanding Manila Congressman – Dr. Bienvenido “Benny” Abante.
Ang Biblemode na may 6,000 pastor strong membership ay kilalang tumayo at lumaban sa tamang katwiran sa pamamahala para sa tunay na maunlad na Pilipinas.
Ang mga Biblemode members na pro-God, pro-family at pro-life ay aktibong lumalaban at nakikibaka sa mga inisyatibong pulitikal, ekonomiya at panlipunan na tumataliwas sa moralidad at Biblical teachings.
Daan-daang pastoral church leaders at workers ay nagpupulong tuwing Enero bawat taon para sa spiritual revival at refreshing for ministry at personal growth para maging epektibong alagad ng Diyos sa kani-kanilang lokalidad.
Ang mga conference delegates ay nagmula pa sa iba’t ibang parte ng bansa.
Tinatalakay sa conference sa pangunguna ni dating Rep. Abante ang pagmamahal sa bayan at kapwa, ang kasalukuyang social-political climate at ang mid-term election.
- Latest
- Trending