^

Bansa

PNP probe hingi sa pumugang Koreano

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Halos mawalan ng gana dahil dismayado ang Embahada ng Korea matapos makatakas sa kulungan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Fort Bonifacio, Makati City ang isang notoryus na Koreano na suspek sa kidnapping at robbery extortion sa kanilang bansa.

Bunsod nito, nanawagan ang Korean Embassy sa PNP na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa ginawang pag­takas ni Kim Sung Kon, 39.

Dis. 27, 2011 dakong 1:30 ng madaling araw nang umiskapo si Yun. Na­ki­­pag-inuman si PO3 Noel Bunal kay Kon at iba pang Korean detainee dakong alas-10 ng gabi noong Dis. 26, 2011.

Bukod dito, may dalawang babae ang duma­ting habang nag-iinuman sila at hinikayat ang mga Koreano na makipagtalik sa kanila kapalit ng pera.

Pinayagan ni Bunal sina Kon at isa pang Koreano sa alok ng mga babae pero madaling-araw kinabukasan, wala na si Kon sa detention cell.

Samantala ang kasamahan ni Kon na si Kim Won Bin ay pinayagan naman na makapaglagak ng piyansa at agad bu­malik sa Korea.

“It was to the disappointment of the Embassy that on December 31, 2011, we learned of the incident that Kim Sung Kon has escaped from de­tention on December 26, 2011 and on the following day, December 27, 2011 Kim Won Bin was bailed out who later flew to Korea. With this, we would like to respectfully request for official statement/reports of the PNP and we are anticipating ap­propriate action and thorough investigation on this matter,” pahayag ng Korean Embassy.

Inaangal din ng Korean Embassy kung bakit hanggang ngayon ay nananatili sa kanyang puwesto si CIDG South Sector chief Major Lacuesta gayung may relieve order na ito.

FORT BONIFACIO

KIM SUNG KON

KIM WON BIN

KOREAN EMBASSY

KOREANO

MAJOR LACUESTA

MAKATI CITY

NOEL BUNAL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with