Nagpaparenta ng bahay pinag-iingat sa sindikato
MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ng Malacañang ang mga nagpaparenta ng bahay na mag-ingat at siguraduhin ang katauhan ng mga uupa sa kanilang property upang hindi magamit sa ilegal na gawain tulad nang nangyari sa isang bahay sa Ayala Alabang na ginawang laboratoryo ng shabu.
Ayon kay Presidential Spokesperson Abigal Valte, dapat tiyakin ng mga nagpapaupa kung sino ang titira sa kanilang bahay bilang bahagi na rin ng pag-iingat.
Pinayuhan din ni Valte ang mga nagpaparenta na magkaroon ng pakialam sa kanilang komunidad kahit pa tapos na ang transaksiyon sa kanilang kausap.
Pinuri rin ni Valte ang ginawang raid ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Biyernes sa isang bahay sa Ayala Alabang na ginawang gawaan ng shabu.
Ipinapakita lamang umano ng PDEA na seryoso ang gobyerno sa pagtugis sa mga sindikato ng droga sa bansa.
- Latest
- Trending