Grounds sa legal separation dadagdagan
MANILA, Philippines - Dahil hindi napapanahon at naaayon sa kultura ng bansa ang diborsiyo, isinulong ng isang mambabatas ang pagpapalawig sa batayan o grounds para sa legal separation.
Nais ni Occidental Mindoro Rep. Amelita Calimbas-Villarosa sa inihain niyang House Bill 2144 na madagdagan ang mga basehan o grounds sa paghihiwalay ng mag-asawa.
Iginiit nito na importante o mahalaga pa rin ang kasal at pagiging buo ng pamilya dahil ang pagkasira ng kasal ay madalas na nauuwi sa pagkawasak ng pamilya.
Bukod dito dapat lamang umano na gamitin ang mga isinusulong niyang basehan kapag wala nang ibang paraan na maaaring magamit para manatiling buo ang pamilya.
Sa ilalim ng panukala, ang mga basehan para sa legal separation ay ang paulit-ulit na pananakit o pang-aabuso sa asawa o anak; physical violence o moral pressure para mapasunod sa pinaniniwalaang relihiyon; pamimilit na pumasok sa prostitusyon ang asawa o ang anak; nahatulan ng mahigit anim na taong pagkabilanggo at drug addiction, lasenggo o sugarol, bakla o tomboy; pangangaliwa; sexual infidelity o perversion; panghahawa ng sexually transmissible disease.
Gayundin ang pagtatangka sa buhay ng asawa, anak, kapatid o magulang; pagtanggi na magbigay ng suporta sa asawa at anak; pagtanggi na magtrabaho at pag-abandona.
- Latest
- Trending