^

Bansa

2 ex-AFP chief, 9 pa kakasuhan ng plunder

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dalawang dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at siyam pang miyembro nito ang kakasuhan ng Department of Justice (DOJ) dahil sa maanomalyang paggamit ng pondo noong 2000 hanggang 2005.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, kabilang sa mga pinakakasuhan sina dating AFP chiefs Diomedio Villanueva at Roy Cimatu, ex-AFP comptrollers Jacinto Ligot at Carlos Garcia; Divina Cabrera, resident auditor for the Intelligence Service ng AFP sa loob ng 13 taon.

Nahaharap din sa kasong plunder sina dating Brig. Gen. Benito de Leon, Col. Cirilo Tomas Donato, Lt. Col. Erenstom Paranis, Generoso del Castillo, dating chief accountant ng OJ6 (office of the AFP deputy chief of staff for comptrollership); Maj. Gen. Hilario Atendido (ret.) at Col. Roy Devesa.

Nag-ugat ang reklamo sa isinumiteng kaso ni dating military budget officer na si Lt. Col. George Rabusa.

Gayunman ang Ombudsman pa rin ang bahalang mag-akyat ng kaso sa Sandiganbayan dahil ang DOJ reso ay rekomendasyon lamang.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CARLOS GARCIA

CIRILO TOMAS DONATO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIOMEDIO VILLANUEVA

DIVINA CABRERA

ERENSTOM PARANIS

GEORGE RABUSA

HILARIO ATENDIDO

INTELLIGENCE SERVICE

JACINTO LIGOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with