^

Bansa

Opensiba vs NPA rebels tuloy uli

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Magpapatuloy muli ang opensiba ng tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA). Ito ang inihayag kahapon ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. sa pagtatapos kahapon ng 18 araw na idineklarang Suspension of Military Operations (SOMO) o tigil putukan ng pamahalaan sa CPP- NPA na nag-umpisa noong Disyembre 16. Ang gobyerno ay nadeklara ng 18 araw na SOMO upang mabigyan ng pagkakataon ang mga rebelde na bumaba sa kabundukan at makapiling ang kanilang mga pamilya sa pagdiriwang ng kapaskuhan. Samantalang, tinapatan naman ito ng anim na araw na ceasefire ng CPP-NPA mula Disyembre 24 , 25 , 26 at Disyembre 31 hanggang Enero 2. Sa kabila nito, iginiit ni Burgos na patuloy rin ang implementasyon ng Internal Peace Security Plan (IPSP) o Bayanihan sa pamamagitan ng rehabilitasyon at iba pa sa mga lugar na apektado ng labanan ng mga rebelde at ng mga sundalo.   

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

BAYANIHAN

BURGOS

DISYEMBRE

ENERO

INTERNAL PEACE SECURITY PLAN

NEW PEOPLE

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF COL

SUSPENSION OF MILITARY OPERATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with