PCSO may bagong milyonaryo

MANILA, Philippines -  Isang masuwerteng mananaya ng 6-digit draw ang bagong milyonaryong nalikha ng Philippines Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagbungad ng taong 2012 makaraang tamaan ang kumbinasyong numero sa naganap na bola bago magpalit ng taon.

Nasapul ang kumbinasyong 3-5-0-2-4-0 sa 6-digit draw nitong Sabado ng gabi upang tamaan ang ka­buuang­ jackpot na P10,438,234.

Hindi naman binanggit sa ulat ng PCSO kung saan sa Pilipinas tumaya ang naturang bagong milyonaryo. 

Wala namang nakasuwerte ng kumbinasyong 22-50-26-41-51-07 sa Grand Lotto draw na may nakalaang P66.4 milyong jackpot prize.

Show comments