^

Bansa

Pulis na magpapaputok sibak agad!

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Muling nagbabala kahapon si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Nicanor Bartolome na agad sisibakin ang mga pulis na mapapatunayang nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon.

“Ipadi-dismiss ko yung hindi sumusunod sa specific instructions, bawal ang indiscriminate firing,” ayon kay Bartolome.

Nitong nakalipas na mga araw ay pinangunahan mismo ni Bartolome ang pagpa-plaster ng dulo ng baril ng mga pulis sa Camp Crame upang maiwasan na may mabiktima partikular ang mga inosenteng sibilyan.

Ang Camp Crame ay idineklarang no firecracker zone ng PNP bilang pagtalima sa Iwas Paputok Campaign ng Department of Health.

Ayon sa PNP Chief, matapos ang selebrasyon ng bagong taon ay agad na iinspeksyunin ang mga baril ng mga pulis upang mabatid kung ginamit ang mga ito sa indiscriminate firing.

Ikinadismaya ng PNP Chief ang pagkakasangkot ng tatlong pulis na nakadestino sa Metro Manila sa indiscriminate firing matapos ang mga itong magpaputok ng baril sa pagsalubong sa kapaskuhan noong Disyembre 24 ng gabi.

Ang mga ito ay sina PO1 Fulgencio Sideco ng Manila Police; PO1 Lloyd Fernandez ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at PO1 Raymond Pascua ng PNP Crime Laboratory; pawang sumasailalim na sa kasong administratibo at kriminal.

Ang summary dismissal proceedings laban sa matitigas ang ulong mga pulis ay tatagal ng isa hanggang tatlong buwan.

ANG CAMP CRAME

BARTOLOME

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

CRIME LABORATORY

DEPARTMENT OF HEALTH

FULGENCIO SIDECO

IWAS PAPUTOK CAMPAIGN

LLOYD FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with