Surigao del Sur niyanig ng 5.1 lindol
MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur kahapon ng madaling araw, pero wala namang iniulat na nasaktan o nasirang ari-arian dito.
Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, natukoy ang sentro ng lindol sa karagatan o sa layong 40 kilometro ng hilagang bahagi ng Surigao del Sur, dakong 4:34 ng madaling araw.
Tectonic ang nasabing lindol, at ayon kay Solidum dahil nasa dagat ay hindi gaanong malakas na pag-uga ang naramdaman ng mga tao.
Nakaranas naman ng intensity 3 ang Tandag at intenstiy 2 ang Socorro sa nasabing lalawigan. Walang iniulat na nasaktan o nasirang bahay dahil may kababawan lamang umano ang lindol sa lalim na .06 kilometer.
Wala ding inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
- Latest
- Trending