^

Bansa

2 patay, 4 kritikal sa CAMANAVA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang patay habang apat ang kritikal sa apat na magkakahiwalay na insidenteng naitala ng Northern Police District mula kamakalawa ng gabi ng bisperas ng Pasko.

Dakong alas-4:30 kahapon ng madaling araw, nasawi ang biktimang nakilalang si Roy Tamarez, ng Dumpsite, Catmon, Malabon makaraang saksakin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki. 

Nabatid na lango sa alak nang magpunta sa isang Christmas party na may saya­wan ang biktima at nag-umpisang mangulit sa mga inabutan. Dito ito tinarakan ng hindi nakilalang salarin na mabilis na tumakas. Wala namang lumutang na saksi na gustong kumilala sa salarin.

Dakong alas-5 naman ng madaling araw nang lumutang sa baybayin ng Manila Bay sa may Chungkang Baywalk ang bangkay ni Jonathan Sol, 32, ng Bicol St., Tanza, Navotas na may tama ng saksak sa dibdib. 

Kritikal naman sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng saksak ang magkakapitbahay na sina Julius Moos, 20; Wenly Melgan, 22; at Ar-Ar Aguila, 17, kapwa ng Adelfa St., Tanza, Navotas.  Naglalaro ng badminton sa kanilang lugar dakong alas-10 kamakalawa ng gabi ang tatlo nang duma­ting at komprontahin ng mga suspect na sina Raf Rodriguez at Along Lachica at anim pang menor-de-edad na kalugar ng mga biktima.

Nauwi ito sa pagtatalo hanggang sa pagtulungang bugbugin at saksakin ang tatlong biktima bago nagsitakas ang mga salarin.

Kritikal rin naman ang 25-anyos na si Dennis Ilanan, ng Santos street, San Roque, Navotas.  Papauwi na ang biktima dakong alas-4:30 ng madaling araw nang harangin ng suspect na nakilala sa alyas na Pudong at tarakan ng patalim ang biktima bago mabilis na tumakas.

ADELFA ST.

ALONG LACHICA

AR-AR AGUILA

BICOL ST.

CHUNGKANG BAYWALK

DAKONG

DENNIS ILANAN

JONATHAN SOL

JULIUS MOOS

NAVOTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with