^

Bansa

2 BOC exec kinasuhan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Inireklamo sa Office of the Ombudsman ng sexual harassment at iba pang kaso ng isang therapist ang dalawang empleyado ng Bureau of Customs (BoC) Enforcement & Security Service matapos niyang tanggihan ang “extra service” na ipinagagawa nito.

Napag-alamang ang kinasuhan ay sina Customs Police Major Ramon Policarpio at isang SA1 Dexter Binuya ng grave misconduct, grave abuse of authority, grave coercion, at unjust vexation.

Sa reklamo at salaysay ni Liberty B. Felipe, may asawa, ng Tarlac, simula pa noong 2006, siya at ang kanyang mister ay nagtatrabaho bilang masahista o therapist sa Maynila partikular sa Bureau of Customs Port of Manila (POM) .

Sinabi ni Felipe na noong Hunyo 2011 ay nagpaserbisyo sa kanya si Policarpio na tatlong beses na niyang namamasahe noon. Sinabi ni Felipe na, habang minamasahe niya si Policarpio, bigla nitong sinabi sa kanya na, “Kung gusto mo i-therapy mo ang ari ko.” Mula nang tanggihan ni Felipe ang gusto ni Policarpio ay hindi na muling nakapasok ang mag-asawa sa BoC.

    

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF CUSTOMS PORT OF MANILA

CUSTOMS POLICE MAJOR RAMON POLICARPIO

DEXTER BINUYA

FELIPE

LIBERTY B

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

POLICARPIO

SECURITY SERVICE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with