Pamilyang nasalanta ni Sendong ampunin muna sa araw ng Pasko
MANILA, Philippines - Bilang pagsasabuhay ng mga pangaral ni Hesukristo, mungkahi ng Simbahang Katoliko na maaring pasayahin at bigyan ng pansamantalang matutuluyan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Sendong, kahit ilang araw lamang o mismong sa Noche Buena.
Ito ang tila panawagan ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma sa isinusulong niyang ‘Adopt-a-family program’ patungkol sa mga pamilyang nabiktima ni Sendong.
Kung mayroon umanong ginintuang puso ang mga may kakayahan sa buhay, maari nilang pawiin ang pagluluksa ng mga nabiktima ng hagupit ni Sendong, kahit ngayong Pasko at Bagong Taon lamang kung aampunin pansamantala ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, nawalan ng tahanan at nawalan din ng ari-arian upang makapagdiwang ng Pasko at maidaos ang Noche Buena ng may makakain.
Dapat na pagtulungan ng mga nakakaalwan ang pagbangon ng mga pamilyang apektado upang hindi sila mawalan ng pag-asa sa buhay.
- Latest
- Trending