^

Bansa

2 abogadong nangotong kay Abalos tatalupan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Makikipag-ugnayan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) kina Pasay City Regional Trial Court branch 112 Judge Jesus Mupas at sa kampo ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. upang kilalanin ang dalawang abogadong si­­na­sabing nanghingi ng mul­ti-milyong kotong ka­­ugnay ng electoral sa­­­­botage na kaso na kina­kaharap ng huli.

Sinabi ni IBP president Roan Libarios na pinakilos na niya ang kan­yang mga abogadong staff para makipag-ugnayan kina Mupas at Abalos para tukuyin ang eksaktong pagkakakilanlan ng sinabing mga abogado na sina Atty’s. Jojo Desiderio at May Mercado.

Nais na makilala ng IBP kung may totoong mga abogado sa natu­rang mga pangalan kung saan kanilang padadalhan ng “summons” upang mapadalo sa kanilang isasagawang hearing sa Enero 13 para patawan ng disciplinary action na maaaring humantong sa pagkakatanggal ng ka­nilang lisensya.

Sa ganitong paraan umano, malilinis rin ng IBP ang kanilang hanay kung may mga abogado silang miyembro na gumagawa ng naturang mga iligal na aktibidad.

Hindi naman nagkomento si Atty. Libarios ukol sa ipinadalang regalo ni Atty. Ferdinand Topacio kay Judge Mupas.   Matatandaan na ipinasauli ni Mupas ang regalo na ipi­nadala sa kanyang tanggapan na buhat umano kay Topacio.

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

FERDINAND TOPACIO

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOJO DESIDERIO

JUDGE JESUS MUPAS

JUDGE MUPAS

MAY MERCADO

MUPAS

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with