^

Bansa

Pambili ng paputok idonate sa mga biktima ni 'Sendong'

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Mas makabubuti kung ido-donate na lamang sa mga biktima ni ‘Sendong’ ang mga perang gagastusin sa pambili ng paputok.

Ito ang apela ni Health Secretary Enrique Ona sa mamamayang Filipino matapos na salantain ni Sendong ang Cagayan de Oro at Iligan City.

Ayon kay Ona, nakakalungkot lamang dahil Pilipinas pa ang nagiging target ng kalamidad lalo pa’t nalalapit ang panahon ng Pasko.

Aniya, mas malawak ang mararating ng pe­rang gagastusin sa paputok sa pagbangon at rehabilitasyon ng mga sinalanta ni Sendong.

Direktang sinalanta ni Sendong ang Northern Mindanao, kung saan daang katao ang namatay at kabahayan ang nasira.

Dagdag pa ni Ona, ginagawa ng DOH at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang matugunan ang pangangaila­ngan ng mga biktima.

ANIYA

AYON

DAGDAG

DIREKTANG

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

ILIGAN CITY

NORTHERN MINDANAO

SENDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with