^

Bansa

Hadlang sa economic growth sa Quezon inalis ng M'cañang

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Makakasulong na ang lalawigan ng Quezon makaraang alisin ng Malacañang ang major political gridlock nito.

Ayon kay Provincial Governor David “Jayjay’ Suarez, nakuha na nila ang legal support ng Palasyo kasunod ng 12-page decision hinggil sa pagbasura sa reklamo ni Vice Gov. Alcala dahil sa kawalan ng merito laban kay Suarez at mga miyembro ng provincial board.

Si Suarez at siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ay inakusahan ng abuse of authority at violation of Code of Conduct ni Alcala matapos magpatawag ang gobernador ng special session upang amyendahan ang mga pagkakamali sa ilang resolusyon na ipinasa ng provincial board. Kaugnay ito sa awtoridad ni Suarez na pumasok sa mga memorandums of agreement sa national government at iba pang department at ahensya.

Noong Hunyo 27, inaprubahan ng provincial board ang Resolutions 692 hangang 710 upang payagan si Suarez na pumasok sa MOAs.

Inobliga rin ng board si Alcala, na siyang presiding officer ng provincial board, na maging co-signatory sa lahat ng kontrata bilang kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan. Iginiit naman ni provincial legal counsel Charisse Mendoza-Bajas na hindi maaaring maging co-signatory si Alcala dahil tanging ang gobernador ang may kapangyarihan sa ganitong kasunduan.

Dahil dito, nagpatawag ng special session subalit hindi dinaluhan ng vice governor. Ito ang inireklamo ni Alcala sa Palasyo.

Gayunman, inihayag ng Malacañang na maaaring magpatawag ng special session ang gobernador para sa public interests.

ALCALA

CHARISSE MENDOZA-BAJAS

CODE OF CONDUCT

MALACA

NOONG HUNYO

PALASYO

PROVINCIAL GOVERNOR DAVID

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

SI SUAREZ

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with