^

Bansa

Biktima ni Sendong isama rin sa CCT - solon

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Dapat isama sa P40 bilyong Conditional Cash Transfer program ang mga biktima ng bagyong Sen­dong na nangangailangan ng long-term na tulong para makabalik sa normal ang buhay ng mga ito.

“The best way to help victims get back on their feet is not through the one-time hand out of a bag of groceries but sustained assistance like what the CCT can offer,” sabi ni Aurora Rep. Sonny Angara.

Ayon kay Angara, ka­yang tanggapin ng P49.4 bilyong budget ng Department of Social Welfare and Development ang maidaragdag na tutulu­ngan sa listahan nito.

Bukod sa P39.4 bil­yong 4Ps, ang mga mga biktima ng bagyo ay maaari rin umanong matulungan ng DSWD sa Supplementary Feeding Program (P2.9 bilyon), at Social Pension for Indigent Filipino Senior Citizens (P1.3 bilyon).

Ngayong taon ang mga tinutulungan ng 4Ps ay 2.3 milyong pamilya at sa susunod na taon ay iaakyat ito sa P3 milyon.

Samantala, umapela si Caloocan City Mayor at League of Cities of the Philippines Chairman Enrico “Recom” Echiverri sa LCP na magbigay din ng tig-P1 milyong tulong sa mga probinsiya sa Mindanao at Kabisayaan na nasalanta ng bagyong Sendong.

Nagbigay ng P1 mil­yon si Mayor Echiverri bilang tulong galing sa pamahalaang lungsod ng Caloocan na kanyang hahatiin sa Cagayan de Oro City at Iligan City.

Sinabi pa ni Echiverri sa kanyang mga kapwa alkalde na sa halip na gumastos ang mga ito ng malaki para sa mga dadaluhang Christmas party ay magbigay na lamang ng tulong sa mga naging biktima ni Sendong.

AURORA REP

CALOOCAN CITY MAYOR

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ECHIVERRI

ILIGAN CITY

INDIGENT FILIPINO SENIOR CITIZENS

LEAGUE OF CITIES OF THE PHILIPPINES CHAIRMAN ENRICO

MAYOR ECHIVERRI

ORO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with