^

Bansa

DOH tutol sa mass burial

-

MANILA, Philippines - Tutol  ang Department of Health (DOH) sa plano ng lokal na pamahalaan ng Iligan City na pagsasagawa ng ‘mass burial’ sa mga labi ng mga biktima ng bagyong Sendong.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC), hindi ‘advisable’ ang naturang plano.

Aniya, ang marapat ay tiyaking maayos ang pagkakalibing ng mga bangkay.

Payo pa ni Tayag, dapat bigyan ng pagkakataon ng lokal na pamahalaan ng Iligan City ang mga residente na kunin ang labi ng kanilang mga kamag-anakan at mabigyan sila ng maayos na libing.

Nauna rito, inihayag ni Iligan City Mayor Lawrence Cruz na magsasagawa sila ng mass grave para ilibing ang mga bangkay na nabubulok na at hindi pa kinukuha ng mga kamag-anak, sa pa­ngambang magdulot ito ng panganib sa kalusugan ng mga residente.

Samantala, nanawagan si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa taong bayan na tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Sendong.

Sa isang sulat kamay na press statement ni Macapagal na ipinadala sa kongreso, hinimok nito ang taong bayan na magdasal ng mataimtim para sa mga nasalanta ng bagyo.

Nakatakdang kilalanin naman ng 15-man team ng National Bureau of Investigation ang mga bangkay ng biktima ng Sendong. (Butch Quejada/Doris Franche)

BUTCH QUEJADA

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

DR. ERIC TAYAG

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY MAYOR LAWRENCE CRUZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SENDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with