^

Bansa

Miriam nahalal na judge sa Int'l Criminal Court!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Nanguna ang pambato ng Pilipinas na si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa katatapos na halalan bilang judge sa International Criminal Court (ICC) na ginanap kamakalawa sa New York.

Sa report ng  Philippine Permanent Mission to the United Nations sa New York sa Department of Foreign Affairs, si Santiago ang kauna-unahang babaeng judge sa buong developing state sa Asia na nahalal sa ICC matapos na lumabas ang resulta ng bilangan ng boto noong Disyembre 12.

Si Santiago ang nag-top sa unang round ng election na nakapagtala ng 79 boto mula sa 104 valid votes na nagpapakita umano na matinding suporta ang nakuha nito sa mga States Parties o mula sa iba’t ibang bansa.

Bago ka mahalal, ki­nakailangan makakuha ng two-thirds majority ng kabuuang numero ng  votes cast.

Ipinagmalaki din na si Santiago ang unang nahalal mula sa may 18 kandidato na umaasam para sa 6 seats ng ICC.

“For the first round of voting, she (Santiago) bested candidates from every region,” anang DFA.

Bago ang halalan, apat na buwang nangampanya si Santiago sa tulong ng DFA na nanawagan pa sa bansa sa Asia at sa mga miyembro ng United Nations na suporthan ang kandidatura ng senadora.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, eksperto si Santiago sa international law at  hindi rin matatawaran ang karanasan nito bilang isang trial court judge.

Sinabi ni del Rosario na natagpuan na ng Pilipinas ang tamang lugar sa ICC at ang pagkakakuha ng puwesto ni Santiago bilang judge sa ICC ay maituturing na tagumpay at maisasama sa kasaysayan. 

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NEW YORK

PHILIPPINE PERMANENT MISSION

PILIPINAS

SANTIAGO

SI SANTIAGO

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with