^

Bansa

Red alert ikinasa sa Lamesa dam

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Dulot ng patuloy na pag-uulan sa Luzon laluna sa Metro Manila, isinailalim sa red alert status ang Lamesa dam sa Quezon City dahil malamang mag-overflow ang tubig dito bunga ng  kawalan ng gate na maaaring buksan upang magpakawala ng tubig.

Ayon sa PAGASA, ang ibang dam ay malapit na ring umabot sa critical level bunga ng patuloy na pag-ulan kayat nagpakawala na ng tubig ang mga ito.

Tatlong gates na ang binuksan sa Ipo dam, anim sa Magat, tatlo sa Angat habang tatlo naman sa Binga.

Bunsod nito, patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira malapit sa naturang mga dam na mag-ingat at ugaliing maging mapagmasid sa paligid para makaiwas sa  anumang epektong idudulot ng pagpapakawala ng tubig doon.

ANGAT

AYON

BINGA

BUNSOD

DULOT

IPO

LAMESA

LUZON

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with