MANILA, Philippines - Suportado ng muling nahalal na konsehal ng ikalawang distrito ng Valenzuela na si Kate Abigael Galang-Coseteng ang anumang makatutulong upang mapaganda ang buhay ng kanyang mga kababayan, kabilang na ang sikat na call center.
Isa sa kanyang mga programa sa siyudad ay ang magdaos ng mga libreng pagsasanay at seminar para sa mga nagnanais na pumasok bilang call center agents upang mabigyan sila ng competitive edge kapag nag-aaplay sa mga trabaho sa call center.
Kamakailan lamang ay nagbigay si Konsehala Kate ng isa na namang training para sa 2,000 na taga-Valenzuela na umaasa sa mas magandang kinabukasan sa tulong ng industriya ng call center. “Ginagawa natin ito nang libre, talagang layunin kong tumulong sa aking mga kababayan,” anang two-term Number 1 Councilor.
Bilang tugon sa tawag ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga estudyante, bagong gradweyt at mga trabahador na paghusayin pa ang kanilang mga kakahayan sa komunikasyon dahil patuloy ang paglago ng call center industry, idinagdag ni Coseteng ang Call Center Training sa kanyang mga prayoridad na proyekto. Ang Majority Floor Leader of Valenzuela ay kilala sa kanyang scholarship program at advocacy.