^

Bansa

Plunder pa vs CGMA

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Panibagong kaso ng plunder ang isinampa kahapon laban kay Pampanga Rep. Gloria Arriyo sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng paggamit umano ng intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa halalan noong 2010.

Bukod kay Arroyo, kinasuhan din ng PCSO si dating PCSO General Manager Rosario Uriarte, Asst. Gen. Manager for Finance BenignoAguas at dating PCSO board members Sergio Valencia, Manuel Morato, Raymon Roquero at Maria Fatima Valdez.

Kasama rin sa sinampahan ng kaso sina da­ting  Commission on Audit (COA) Chairman Reynaldo Villar at COA Region 5 head Nilda Plaras.

Inakusahan ni PCSO Director Aleta Tolentino ang mga nabanggit na COA officials na nagsabwatan upang isagawa ang pagpapalabas ng pondong halos aabot sa P310 milyon.

Binanggit sa reklamo na walong beses na sinulatan ni Arroyo na noo’y presidente pa, si Uriarte upang mag-withdraw mula sa confidential funds.

Ang nasabing salapi ay nai-withdraw umano, sa unang anim na buwan ng 2010, na saklaw pa ng  election year.

CHAIRMAN REYNALDO VILLAR

DIRECTOR ALETA TOLENTINO

GENERAL MANAGER ROSARIO URIARTE

GLORIA ARRIYO

MANUEL MORATO

MARIA FATIMA VALDEZ

NILDA PLARAS

PAMPANGA REP

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

RAYMON ROQUERO

SERGIO VALENCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with