^

Bansa

GMA hirit mag-Pasko sa La Vista

-

MANILA, Philippines - Hihirit ang kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makapagdiwang ito ng Pasko sa kanyang bahay na nasa mamahaling La Vista Subd., sa Quezon City.

Sinabi ni Quezon Rep. Danilo Suarez na maghahain ng mosyon si Arroyo sa korte at umaasa sila na hindi ito haharangin ng prosekusyon.

“Sana kapag humingi ng Christmas furlough, huwag nang harangin. Kristiyano naman tayo and for the spirit of Christmas,” ani Suarez na nagsabi ni tradisyon ng mga Katoliko na makasama ang kanilang pamilya kapag Pasko.

Sa Biyernes ay inaasahang lilipat na si Arroyo sa Veteras Memorial Medical Center matapos i-extend ng korte ang kanyang pananatili sa St. Lukes Medical Center.

Samantala, sinabi naman ni Ang Galing Pinoy Rep. Juan Miguel Arroyo, anak ng dating Pangulo, na bumalik siya sa bansa upang patunayan na hindi niya tatakasan ang mga kaso na kanyang kinakaharap.

Umalis si Mikey noong Nobyembre 17 at pumunta sa Estados Unidos upang manghingi umano ng pondo para sa mga sekyu na inire-represent ng kanyang partylist group.

“I have decided to cut short my trip to the US to attend to my mother,” saad ng nakababatang Arroyo. “Anyway, I have I have achieved my objective in my trip, that is to solicit support for my constituents.”

Nakakuha umano si Mikey ng $15,000 pangako mula sa mga Filipino group sa US. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

vuukle comment

ANG GALING PINOY REP

BUTCH QUEJADA

DANILO SUAREZ

ESTADOS UNIDOS

GEMMA GARCIA

GLORIA ARROYO

JUAN MIGUEL ARROYO

LA VISTA SUBD

MIKEY

PAMPANGA REP

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with