^

Bansa

Singil sa kuryente bababa

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Inianunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagbaba ng 27 sentimos sa kanilang Generation Charge para sa buwan ng Disyembre, o magiging P5.51 mula sa dating P5.79 kada kWh nitong Nobyembre.

Ayon sa Meralco, ang pagbaba ng singil sa Generation Charge ay bunsod nang pagbabawas ng presyo ng kuryenteng nabili mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), na bumagsak ng P3.49 kada kWh, mula sa dating P12.48 per kWh noong Oktubre.

Unang tumaas ang WESM prices noong Oktubre dahil sa generation supply constraint na dala ng maintenance shutdown sa Malampaya natural gas pipeline mula Oktubre 20-26.

Dahil sa pagbabalik sa normal ng operasyon nito noong Nobyembre, ang mga power plants na nakadepende sa Malampaya sa fuel ay nakagawa na ng mas maraming kuryente at nakatulong ito para mabawasan ang kakula­ngan ng suplay at pagbaba ng presyo ng WESM.

Ang WESM ang source ng 8.9 porsiyento ng energy requirements ng Meralco.

AYON

DAHIL

DISYEMBRE

GENERATION CHARGE

MALAMPAYA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

NOBYEMBRE

OKTUBRE

WHOLESALE ELECTRICITY SPOT MARKET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with