Seguridad sa mga turista, tiniyak

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na may nakalatag na seguridad para sa mga dayuhan at Pinoy na turista sa alinmang pangunahing tourist destination sa bansa.

Ani Tourism Department spokesman Undersecretary Benito Bengzon Jr., ito ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa ina­asahang pagdagsa ng mga turista sa bansa ngayong holidays.z

Nasa 1,200 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang ipinakalat matapos silang sumailalim sa Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) program sa loob ng isang taon.

Tungkulin nila ang bantayan ang mga pangunahing destinasyon sa bansa tulad ng Cebu, Bohol, Palawan, Boracay, at maging ang Rizal Park sa Maynila. (Ludy Bermudo

Show comments