^

Bansa

Binay nagmakaawa sa China na huwag ituloy ang bitay sa Pinoy

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Muling umapela si Vice President Jejomar Binay sa pamahalaang China na huwag ituloy ang pagbitay sa pamamagitan ng lethal injection sa 35-anyos na Pinoy sa Huwebes, Disyembre 8.

Sa liham na ipinadala ni Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers’ Concerns, kay Chinese Ambassador Liu Jianchiao ng Chinese Embassy sa Manila na may petsang Disyembre 4, iginiit nito na hindi lamang sakit sa pamilya ang idudulot ng eksekusyon kundi masakit ito sa buong sambayanang Pilipino. 

Nakalagay sa liham ni Binay kay Jianchiao ang paghingi nito ng tulong na makakuha ang una ng permiso sa Chinese government upang payagan siyang personal na maipasa o maibigay ang pormal na apela ng Pilipinas na mabigyan ng commutation ang nasabing bibitaying Pinoy para sa humanitarian grounds at bilang ispiritu sa Yuletide season o nalalapit na Kapaskuhan. 

Sinabi pa ng Bise Presidente, may malubhang karamdaman ang ina ng bibitaying Pinoy at kung malalaman niya na natuloy ang eksekusyon ay baka tuluyang mamatay din ito. 

Naniniwala si Binay na magiging masakit sa sambayanang Pilipino ang isasagawang pagbitay lalo na ang Disyembre na siyang pinakamasayang panahon sa mga Pinoy at sa mismong araw kung saan siniselebra ang Feast of the Immaculate Conception sa Huwebes, ang araw ng pagbitay. 

Sa kabila ng pauli-ulit na apela, nananatiling bingi ang China sa panawagan ng Pilipinas at binigyang-diin na tuloy ang bitay sa Huwebes.

BINAY

BISE PRESIDENTE

CHINESE AMBASSADOR LIU JIANCHIAO

CHINESE EMBASSY

DISYEMBRE

FEAST OF THE IMMACULATE CONCEPTION

HUWEBES

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with