^

Bansa

Mabigat na parusa sa jail guards na matatakasan ng preso itinutulak

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Mabigat na parusa ang dapat ipataw sa mga jail guards na matatakasan ng bilanggo na nasa kanilang kustodiya.

Ito ang nilalaman ng pinagsama-samang pa­nu­kala na inihain nina Aurora Rep. Juan Edgardo Angara (House Bill 251) at Antipolo Rep. Romeo Acop (HB 23992).

Base umano sa police reports, nasa 148 murder convicts at magnanakaw ang hindi pa rin nahuhuli matapos makatakas sa iba’t ibang bilangguan sa bansa.

Ang responsable umano sa pagbabantay sa naturang mga bilang­go ang siyang dapat na managot at masibak dahil sa responsibilidad, integridad at kakayahan ng mga ito.

Nais naman ni Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita Calimbas-Villarosa, co-author ng bill na maisama sa panukala ang Articles 155, 223 at 224 ng Republic Act 3815 o Revised Penal Code of the Philippines.

Nakapaloob dito ang proseso mula sa pagdadala ng bilanggo sa kulungan, sabwatan at pagpapabaya sa tungkulin.

Nakasaad pa sa ilalim ng panukala na papata­wan ng parusang prision mayor ang mga mapapatunayang nagkasala sa pagkakatakas ng bilanggo.

AMELITA CALIMBAS-VILLAROS

ANTIPOLO REP

AURORA REP

HOUSE BILL

JUAN EDGARDO ANGARA

OCCIDENTAL MINDORO REP

REPUBLIC ACT

REVISED PENAL CODE OF THE PHILIPPINES

ROMEO ACOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with