Kuwarto bullet proof
MANILA, Philippines - Ang presidential suite na nasa ground floor ng VMMC ang isa sa pinakamalaking kuwarto ng pagamutan.
May lawak itong 150 square meters kumpleto sa mga gamit tulad ng telebisyon, aircon, sala, kitchen, dalawang kuwarto para sa security at mga staff ni Gloria na kapwa may mga bathroom.
Ang sala ay maaring maka-accomodate ng may 30-35 guests at bullet proof ito.
Ayon kay Dra. Nona Legaspi, director ng Veterans hospital, ang nasabing kuwarto ay tatlong beses nang nagamit, una ay noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos na na-confine noong 1970 dahil sa sakit na Lupus, ikalawa ay si Estrada at ngayon ay si Arroyo.
Hinggil naman sa gastusin ni Arroyo sa pananatili sa VMMC, sinabi ni Defense spokesman Director Peter Paul Galvez na kasalukuyan pa silang nagpupulong sa bagay na ito kung sasagutin ng gobyerno.
Noong isailalim si Erap sa hospital arrest sa VMMC sa tuwing ililipat ito ng kulungan ay gumagasta ang dating administrasyong Arroyo ng P5 milyon.
Samantala, tiniyak naman ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na walang VIP treatment na ibibigay ang mga police custodian kay Arroyo.
At tulad aniya ng kautusan ng korte ay bawal ang gumamit ng cellphone at computer si Rep. Arroyo kaya magpapatupad sila ng mahigpit na seguridad sa buong ospital lalo na sa pagsala sa mga bibisita sa dating punong ehekutibo.
- Latest
- Trending