Bagong batas sa paputok hirit ni Villar
MANILA, Philippines - Nais ni Sen. Manuel Villar Jr. na magkaroon ng mga bagong batas hinggil sa mga paputok at iba pang mga pyrotechnics at ng sa ganoon ay mabigyang proteksyon ang mga consumers.
Ayon kay Vilar, madalas na pagmulan ng sunog ang mga paputok lalo na ngayong panahon ng Pasko at Bagong Taon.
“Sana itong Pasko na ito ay masimulan na natin nang sa ganoon ay maraming buhay ang maligtas sa darating na Bagong Taon,” dagdag ng senador.
Sa kanyang Senate Resolution No. 644, sinabi ni Villar na dapat magsagawa ang kaukulang pag-aaral hinggil sa pangangalakal, exhibition at promosyon ng Philippine made fireworks at iba pang pyrotechnic materials.
Tinukoy pa ni Villar ang datos ng Department of Health na nagpapakita na tumaas ng pitong porsiyento ang bilang ng nasugatan sa paputok noong 2010 kumpara noong 2009.
Layunin din ng resolusyon na makita ang mekanismo kung paano mapapaunlad ang competitiveness ng ating produkto na may pananaw na mapalakas pa ang proteksiyon ng consumer upang matiyak ang kaligtasan at kalidad ng produkto.
Nauna ng sinabi ni C/Supt. Carlitos Romero, Director for Plans & Standards ng Bureau of Fire Protection, na noong 2010, umabot sa 50 sunog ang naganap sanhi ng paputok at iba pang uri ng pyrothecnics at tumaas ito ng 13.6% sa taong ito.
- Latest
- Trending