^

Bansa

PHL wagi sa IMO election

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Panalo muli ang Pilipinas sa naganap na halalan ng Council of the International Maritime Organization (IMO) sa ilalim ng Category “C.”

Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa London sa  Department of Foreign Affairs (DFA), ang Pilipinas ay nahalal sa eleksyon noong Nobyembre 25 sa ginanap na 27th Regular Session ng IMO Assembly sa IMO Headquarters sa London, United Kingdom.

Ayon kay Ambassador Enrique Manalo, Philippine Permanent Representative sa IMO, ang muling paghalal sa Pilipinas sa IMO ay nagpapakita na kinikilala ng may  170-member UN organization ang Pilipinas.

Ang Pilipinas ay unang na-elect sa IMO Council noong 1997 sa nasabing kategorya kung saan  20 gobyerno ang kumakatawan sa iba’t ibang  pangunahing geographical areas sa buong mundo na may interes sa maritime transport at navigation.

Bukod sa Pilipinas, kabilang sa mga bansang nahalal ang Australia, Bahamas, Belgium, Chile, Cyprus, Denmark, Egypt, Indonesia, Jamaica, Kenya, Liberia, Malaysia, Malta, Mexico, Morocco, Singapore, South Africa, Thailand, at Turkey.

Ang IMO ay isang UN specialized agency na responsible sa pagtiyak  ng maritime safety at security at pagbibigay proteksyon sa marine environment.

“The Council is the Executive Organ of IMO and is responsible for supervising the work of the Organization,” ayon sa DFA.

AMBASSADOR ENRIQUE MANALO

ANG PILIPINAS

COUNCIL OF THE INTERNATIONAL MARITIME ORGANIZATION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EXECUTIVE ORGAN

IMO

PHILIPPINE PERMANENT REPRESENTATIVE

PILIPINAS

REGULAR SESSION

SOUTH AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with