^

Bansa

Oban magreretiro na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Naghahanda na sa kaniyang pagreretiro si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban Jr. matapos ang mahigit 30 taong serbisyo publiko.

Si Oban na ika-42nd Chief of Staff ay bababa sa puwesto sa Disyembre 12 o isang araw na maaga bago ang ika-56 nitong kaarawan na mandatory age retirement para sa mga opisyal at miyembro ng AFP.

Si Oban ay produkto ng Philippine Military Aca­demy­ (PMA) Matapat Class 1979 na itinuturing na ruling class sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aquino na sinusundan ng PMA Class 1981.

Ngayon pa lang ay maugong na ang pangalan ni AFP-Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Jesse Dellosa, mistah ni Oban para maging successor nito.

Kabilang pa sa mga contenders para humalili kay Oban sa puwesto ay dalawa pa nilang mistah sa PMA Class 1979 ang 3rd man ng AFP na sina Lt. Gen. Anthony­ Alcantara at Navy Chief Vice Admiral Alex­ander Pama; AFP Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Reynaldo Ferrer.

Bagaman kabilang rin sa mga contenders ang anim na heneral mula sa PMA Class 1978 kung saan adopted si dating Pangulong Gloria Arroyo ay nawala ang tsansa ng mga ito dahil bagaman propesyunal ang mga sundalo ay ayaw umano ni PNoy ng mga naging malapit sa dating administrasyon.

CHIEF OF STAFF

EDUARDO OBAN JR.

JESSE DELLOSA

MATAPAT CLASS

NAVY CHIEF VICE ADMIRAL ALEX

NORTHERN LUZON COMMAND CHIEF LT

PANGULONG AQUINO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PHILIPPINE MILITARY ACA

SI OBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with