^

Bansa

Reso ng special polls sa Zambales iniipit?

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - “Iniipit” umano at hindi pa inilalabas ang resolution ng Kongreso na nagdedeklarang bakante ang posisyon sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Zambales para sana maitakda na ang special election kapalit ng namatay na si dating Rep. Antonio Diaz noong Agosto 3, 2011.

Ang nasabing resolution ay nasa tanggapan na umano ni  Rep. Elpidio Barzaga Jr., Chairman ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms at hindi pa naita-transmit sa Commission on Elections na siyang magtatakda ng araw at petsa ng isasagawang halalan.

Maraming beses na rin tinawagan ng mga mamamahayag si Rep. Barzaga para tanungin sa ‘status’ ng resolution at kahilingan sa pagdaraos ng special election pero hindi umano sinasagot ng mambabatas ang nasabing mga tawag.

Magugunita na sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte na nasa tanggapan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform ang ‘bola’ para sa pagdaraos na halalan sa Zambales dahil na rin sa kahilingan ng mga residente na magkaroon na kinatawan sa kanilang lugar makaraang matigil sa pag-aaral ang mahigit sa 2,000 scholar ng yumaong congressman.

Wala ring tulong na natanggap ang mga residente na tinamaan ng magkasunod na bagyong Pedring at Quiel kaya nila hinihiling ang pagkakaroon ng election upang magkaroon ng kinatawan sa Kongreso na kakalinga sa kanila sa oras ng kalamidad at panga­ngailangan.

Tiniyak naman ni Come­lec Chairman Sixto Brilliantes, sa oras na makarating sa kanila ang resolution ng Kongreso ay agad silang magtatakda ng election sa loob ng 30 araw. May sapat din umanong pondo na gagamitin ang komisyon para idaos ang halalan.

vuukle comment

AGOSTO

ANTONIO DIAZ

CHAIRMAN SIXTO BRILLIANTES

ELPIDIO BARZAGA JR.

HOUSE COMMITTEE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KONGRESO

SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORM

SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORMS

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with